• Simula sa Linggo, Ika-1 ng Disyembre, ay inaasahang mas magiging maalwan na ang daloy ng trapiko sa SLEX
  • Ipinahayag ni Ramon Ang ng SMC na bubuksan na ang temporary steel ramp at ang third lane ng SLEX na isinara dahil sa Skyway extension project
  • Ang buong Skyway extension project ay inaasahang matatapos sa December 2020

Katulad ng ipinangako ni San Miguel Corporation (SMC) president Ramon Ang, bubuksan na sa  mga motorista ang temporary two-lane steel ramp sa ibabaw ng Alabang viaduct patungo sa elevated Skyway sa Linggo, ika-1 ng Disyembre.

Imahe mula sa SMC

Bukod sa temporary two-lane steel ramp ay bubuksan na rin ang third lane na isinara sa northbound ng South Luzon Expressway (SLEX) nang sinimulan ang pagtatayo ng mga poste para sa Skyway Extension project.

“These enhancements will ensure that there will be five lanes available to northbound SLEX vehicles during rush hours, even as we go full blast with the construction of the Skyway Extension project. Motorists will be able to use the original three lanes at the at-grade section, plus 2 more lanes at the elevated section,”pahayag ni Ang.

Sinabi ni Ang na hindi naman agarang solusyon ang temporary steel ramp at ang pagbubukas ng isinarang third lane ng SLEX, pero umaasa umano siya na malaking ginhawa ang hatid ng mga ito sa nararanasang heavy traffic sa lugar.

Kasabay ng pagbubukas ng steel ramp at third lane ng SLEX ay  magdaragdag ng traffic personnel ang SMC management upang tiyakin na magiging maaayos ang daloy ng mga sasakyan sa mga bagong bukas na SLEX lanes.

Imahe mula sa SMC

Ang buong Skyway Extension Project ay inaasahang makukumpleto sa December 2020. Layunin ng proyekto na masolusyunan ang matagal nang problema sa daloy ng trapiko sa SLEX-Alabang viaduct area.

Source :

Inquirer, ABS-CBN