• Isang Caucasian male na nakitang naglalakad sa Davao City inakalang si Jesus Christ
  • Lumitaw ang lalaki pagkatapos maganap ang malakas na pagyanig sa lungsod
  • Napag-alaman na isang monk ang lalaki

Isang lalaking Caucasian na may mahabang buhok at nakasuot ng white robe ang namataang naglalakad sa kalsada sa Davao City ang napagkamalang si Jesus Christ.

Imahe mula sa Facebook account ni Mac Pepito

Katatapos lang noon ng malakas na pagyanig na nagdulot ng pinsala sa lungsod nang makita ang lalaki kaya inakala ng iba na isang palatandaan iyon na malapit na ang wakas ng daigdig. May mga nagsabi naman na kamukha lang ng Kristo ang Caucasian male.

Batay sa mga social media posts, nakayapak lang ang lalaki at may dalang palayok habang naglilibot sa lungsod. Mahihinuha na nanghihingi siya ng abuloy sa mga tindahan.

Matapos kumalat ang mga larawan ng Jesus look-alike ay may nakapagsabi na isa pala siyang monk at kilala sa komunidad bilang “brother.”

Ayon sa isang Angie Velarde, ang monk na residente ng Davao City ay estudyante sa Ananda Marga Special Academic Institution Cabantian Campus sa naturang lungsod. Aniya, ang paglalakad ni “brother” nang nakayapak ay bahagi ng pitong araw na ritwal bago siya tumulak patungong India para sa ordination.

Imahe mula sa Facebook account ni Em Em C. Gaco

Sabi naman ng isang Facebook user ay hindi masisisi ang mga taong nag-akala na si Jesus Christ ang lalaki dahil na rin sa tiyempo ng paglitaw niya.

“A monk who dresses and looks like Jesus Christ was spotted at Davao after ng lind0l. Now, you may find it absurd pero you can’t really blame people if they thought it is him. Earthquake and then this…’Cos what if he turned out to be him nga naman. Anyway.. #PrayForDavao,” post ng isang Mac Pepito sa Facebook.