• BI nagbabala laban sa mga pekeng recruiters na gumagamit ng social media
  • Sinabi ng immigration na dumarami ang mga Pinoy na nabibiktima ng mga recruiters na hindi lisensyado
  • Pinayuhan ng Immigration na magtungo sa POEA ang mga nais magtrabaho sa ibang bansa

Nagbigay ng babala ang Bureau of Immigration (BI) sa publiko laban sa mga unaccredited recruiters na nang-aakit ng kanilang biktima sa pamamagitan ng social media.

Imahe mula sa Visas Philippines

Nakababahala na umano ang sitwasyon kaya minabuti ng BI na palaahanan ang mga job seekers na iwasan ang pakikipag-transaksyon sa mga nag-aalok ng overseas jobs sa internet at social media platforms.

Ang babala ay ibinigay ni BI Commissioner Jaime Morente kasunod ng pagkakasabat sa ilang Pinoy sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na patungo sa Singapore at Malaysia. Ang mga ito ay biktima umano ng mga recruiters na hindi lisensyado.

Sa isinagawang imbestigasyon, napag-alaman na gumamit ng tourist visa ang mga Pinoy at ang kanilang return ticket na iprinisinta ay hindi valid kaya nagduda ang Immigration officers sa NAIA na trabaho ay hindi pamamasyal ang kanilang pakay sa mga nabanggit na bansa.

Umamin naman ang mga nasabat na Pilipino na sa Facebook nila nakilala ang recruiter.

“We reiterate our warning to our kababayans that they should avoid transacting with strangers online offering high-paying jobs in foreign lands without the benefit of protection from government.  You will only be putting yourselves in harm’s way,” panawagan ni Morente sa mga Pilipinong gutong magtrabaho sa ibang bansa.

Imahe mula sa PIA

Pinayuhan ni Commissioner Morente ang mga overseas job seekers na bisitahin ang official website ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) o kaya naman ay personal na magtungo sa tanggapan nito para sa mga lehitimong overseas jobs at makuha ang serbisyo ng mga accredited recruitment agencies.

Imahe mula sa Eagle News