• Pitong vape shops ang ipinasara sa Taguig City
  • Sampung vape shops pa ang nakatakdang ipasara ng Taguig City Business Permit and Licensing Office
  • Isa sa top priority ng NCRPO ang implementasyon ng vaping ban directive ni Pangulong Duterte

Kasunod ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagbawal ang paggamit ng vape products at importasyon nito, ilang vape shops ang ipinasara ng lokal na pamahalaan ng Taguig.

Imahe mula sa Taguig City Government

Isinilbi ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) ng Taguig City noong Biyernes, ika-22 ng Nobyembre, ang closure order laban sa pitong vape shops na matatagpuan sa Barangay Pinagsama, Barangay North Signal at Barangay Central Signal.

Sinabi ni Atty. Fanella Joy Panga- Cruz, hepe ng Taguig City BPLO, na sampung vape shops pa sa lungsod ang nakatakda nilang ipasara sa darating na Lunes, ika-25 ng Nobyembre.

“The Taguig City government, through its Business Permit and Licensing Office (BPLO), served closure orders on Friday to vape shops located in the city. This was after President Rodrigo Duterte ordered the ban on the use and import of vape after a confirmed case of electronic cigarette-associated lung injury. He explained that the government has the power to issue measures to protect public health and public interest,” ayon sa statement ng city government na ibinahagi sa social media.

Imahe mula sa Taguig City Government

Samantala, naglabas ng pahayag ang National Capital Region Police office (NCRPO) na prayoridad nito ang pagpapatupad ng direktiba ni Pangulong Duterte sa pagbabawal sa pag-aangkat at paggamit sa pampublikong lugar ng mga vape producs.

“As per the pronouncement of our Honorable President and per directive from the National headquarters, we have placed the ban on importation and use of vaping devices among our top priorities,” pahayag ni NCRPO chief Police Brigadier General Debold Sinas.

Hindi lang sa mga local government units ng Metro Manila makikipag-ugnayan ang NCRPO, kundi maging sa mga shopping malls at vape shops upang masiguro ang implementasyon ng direktiba ng Pangulo.

Imahe mula sa NCRPO

Source :

MSN, GMA Network