• DILG, inatasan ang mga LGUs na hulihin ang mga gumagawa ng bandalismo
  • Nanawagan din ang ahensya sa PNP na panagutin sa batas ang mga vandals
  • Ang vandalism ay isang uri ng malicious mischief sa ilalim ng Article 327 ng Revised Penal Code of the Philippines

Ipinag-utos ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga local government units (LGUs) sa buong bansa na hulihin at panagutin ang mga vandals. Ang direktiba ng ahensya ay kasunod ng insidenteng naganap sa Lungsod ng Maynila kamakailan lang kung saan ang isang grupong tinatawag na Panday Sining ay nagsulat ng mga bandalismo sa bagong linis na Lagusnilad underpass.

Imahe mula sa PCOO

Sa isang panayam, sinabi ni DILG Assistant Secretary Jonathan Malaya na dapat ipatupad ng mga LGUs ang kanilang mga anti-vandalism ordinances.  Dapat umanong gamitin ng mga lokal na pamahalaan ang kanilang mga CCTVs upang makilala ang mga gumagawa ng bandalismo.

“LGUs should, therefore, see to it that they strictly enforce their laws on vandalism so that vandals will face the consequences of their actions,” aniya.

Kasabay nito ay nanawagan din siya sa Philippine National Police na panagutin sa batas ang mga mahuhuling vandals. Aniya, ang vandalism ay isang uri ng malicious mischief sa ilalim ng Article 327 ng Revised Penal Code of the Philippines.

“Nakakahiya ang ginawang pambababoy sa Lagusnilad pagkatapos itong linisin at ayusin ng Manila City government. While we respect the rights of these organizations to express their views and opinion, that right is not acceptable. Ang karapatan ay may hangganan at kaakibat na responsibilidad,” aniya.

Imahe mula sa MTCAB

Pinayuhan ni Malaya ang mga grupong gumagawa ng bandalismo, na wala namang naidudulot na mabuti, na ituon na lang ang kanilang oras sa mga makabuluhang bagay katulad ng pakikilahok sa mga clean-up drives sa mga barangay na kanilang kinabibilangan.