Mamahaling pantalon para sa isang retiradong heneral, dapat bang kuwestiyunin?

Usap-usapan sa social media ang branded na pantalon ni dating Philippine National Police (PNP) chief at bagong Bureau of Correction director Ronaldo “Bato” Dela Rosa.

Sa Facebook post ng Metro Manila Graft Scandals, ibinahagi nito ang larawan ni Dela Rosa kung saan suot nito ang  Ricky Straight Super T Men’s Jeans ng True Religion; isang kilalang brand ng jeans sa United States.

Ayon sa  website ng True Religion, ang halaga ng mga pantalon ay mula P13,000 hanggang P30,000.

Ang suot ni Dela Rosa na Ricky Straight Super T Men’s Jean ay may presyong  P24,968.00 diumano.

Suot ni Dela Rosa ang branded na pantalon nang bisitahin nito ang New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City noong Mayo 6; dalawang araw bago siya umupo bilang pinuno ng BuCor.

Samantala, ipinagtanggol ng mga netizens ang larawan ng mamahaling pantalon ni Dela Rosa.

May mga netizen na nagsabing peke naman ang naturang pantalon ni Dela Rosa; imitation lang umano. Ngunit kung original man o hindi, ang pagsusuot ng branded na pantalon ay pribilehiyo naman ng isang nagtatrabaho.

Yang taong ‘yan may trabaho at kakaretire lang so ibig sabihin may pera ‘yan kahit saan pa niya gamitin ang pera niya wala kang pakialam.”

Nagsuot lng ng mamahaling jeans kinurakot na agad!.. bkit may sweldo nman cya ah?.. pinapareho mo sa ugali mong kurakot!.. at least yong tao ngtatrabaho ng mabuti d gaya mo wala na ngang silbi super pa kung kumurakot!”

Sources :

Facebook, Abante