Hindi maitutuwid ang isang pagkakamali ng isa pang pagkakamali.

Nag-viral ngayon sa social media ang panununtok ng isang traffic enforcer sa isang rider sa Iligan city.

Sa Facebook post ni Anthony Enriquez, ibinahagi nito ang video at mga larawan ng panununtok ng enforcer sa lalaking rider.

I-click ang imahe upang mapanood ang video sa Facebook

Sinasabing nag-ugat ang kaguluhan sa tangkang pagtakas diumano ng rider sa nasagasaan nito; bagay na ikinagalit ng mga enforcer.

Nang madakip umano ang rider doon na sinuntok ng enforcer ang rider kasunod ang pagposas dito.

Sa mga sandaling ito ay wala pang pahayag ang magkabilang panig hinggil sa viral video na ito.

Samantala, hati naman ang reaksyon ng mga netizen sa viral video na ito.

May mga naniniwala na bugso lamang ng damdamin ang ginawang panununtok ng enforcer sa rider. May mga nagkomento namang mali pa rin ang ginawang panununtok ng enforcer sa rider. May mga nagpahayag din ng galit sa inasal ng enforcer.

Sources :

Facebook