Marami na ang patunay na isa sa mga pinaka-loyal na alagang hayop sa daigdig ang mga aso, lalo na kapag pinaramdam sa kanila ang pag-aaruga at pagmamahal.

Kaugnay nito, viral ngayon sa social media ang isang Indonesian national na si Rico Soegiarto matapos niyang iligtas, alagaan, at pagandahin ang isang payat at palaboy-laboy na aso sa lansangan.

Salaysay ni Rico, isang gabing papauwi siya mula sa pinapasukang trabaho, isang husky dog na halos buto’t balat na lamang ang nakita niyang palaboy-laboy sa kalye.  Kilala ang breed na husky sa taglay nitong magaganda at makakapal na balahibo.  Dahil si Rico ay isang dog-lover, hindi siya nagdalawang-isip na iuwi ang kaawa-awang aso.

Larawan mula sa Facebook account ni Rico Soegiarto

Pagkadala niya sa bahay, agad niya itong pinaliguan at pinakain. Matiyaga niya itong inalagaan araw-araw at dinala pa sa beterinaryo upang masuri ng espesyalista at mabigyan ng mga bitaminang makapanunumbalik sa tunay na anyo nito. Binilhan pa niya ito ng isang sikat na pagkaing pang-aso upang makatulong sa mabilis na paggaling nito.

Mga larawan mula sa Facebook account ni Rico Soegiarto

Sa bawat araw at buwang nagdaan ay unti-unting bumalik ang kalusugan ng aso. Tumubo na rin ang mga balahibo nito at nanumbalik na rin ang maayos na hitsura.

Mga larawan mula sa Facebook account ni Rico Soegiarto

Makikita sa larawan na maayos na maayos na ang hitsura ng aso na pinangalanang “Hope” ni Rico.

Mga larawan mula sa Facebook account ni Rico Soegiarto

Sinong mag-aakala na si Hope ay dating buto’t balat na aso lamang kung ihahambing ang dati niyang larawan sa kalagayan niya sa kasalukuyan?

Dahil iyan sa mga taong katulad ni Rico na may tapat na malasakit sa mga hayop na gaya ni Hope. Saludo kami sa iyo, Rico!

Mga larawan mula sa Facebook account ni Rico Soegiarto