Bahagi na ng coaching staff ni Filipino ring icon Manny Pacquiao si Nonito Donaire Sr, ama ni dating world champion Nonito Donaire Jr.

Ayon sa ulat ng ABS CBN, magiging bahagi ng koponan ni Pacquiao si Donaire Sr. bilang assistant coach sa paghahanda ng laban ng Pambansang Kamao kay Lucas Matthysse ng Argentina sa Hulyo 15 na gaganapin sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Donaire will serve as one of the assistant coaches,” ani Pacquiao, na nakadalawang  trial rounds kay Nonito Sr.

Si Donaire Sr. ay dating trainer ng kanyang anak.

So far, so good,” ani Pacquiao. “I am happy with my current team.”

Si Buboy Fernandez ang aakto bilang head coach at aasistihan ni Nonoy Neri. Nakatakda namang pangalanan ni Pacquiao ang bago niyang strength and conditioning coach sa mga susunod na araw.

Itataya ni Matthysse ang kanyang  WBA welterweight title.  Ang two-fisted fighter ay nagwagi ng 36 beses sa 39 na laban via knockout at may apat na talo.

Natalo si Pacquiao sa huling laban nito kay Jeff Horn sa Brisbane, Australia noong nakaraang taon.