• Nagdiwang ng kaarawan si Bela Padilla noong May 3
  • Binati siya ng mga kaibigan niyang sina Angelica Panganiban at Kim Chiu
  • Ang birthday wish nila para kay Bela ay makahanap na ng “Mr. Right and bagong simula”

Hindi pinalampas ng magkakaibigang Kim Chiu at Angelica Panganiban na batiin si Bela Padilla sa kanyang kaarawan.

Puno ng pagmamahal ang mga birthday greetings nila para sa kaibigan.

Sa Instagram, inamin ni Kim na hindi na sila madalas magkita dahil sobrang busy nilang tatlo ni Angelica ngunit nagpapasalamat pa rin siya para sa kanilang pagkakaibigan. Aniya, “Thanks for being a good friend to me and Angge. Halos ‘di na tayo nakikita, busy bee lahat eh.”

Dagdag rin ni Kim na ang pangarap niya kay Bela ay sana mahanap na ito ng bagong mamahalin. Aniya, “Happy birthday momsh, sana this year na arrival ng MR RIGHT mo.”

Si Angelica naman ay puro “masasarap” ang gusto para kay Bela. Aniya, “Sana, magkaron ka ng masarap na agahan, masarap na kape. Masarap na lakad hanggang sa maligaw ka. Masarap na mga kausap. Sobrang sarap na mga bagong kwento, bagong aral. Masarap na alak. Masarap na tawa. Masarap na bagong simula. Mahal kita moms!”

“To the girl with many hugotssss” ang panimulang bati ni Kim.

View this post on Instagram

to the gurl with many hugotssss!!!! ❤️😅 happy happy birthday!!!🎂 alam mo naman na ang wish ko para sayo! ✨ keep that positivity and vibrant vibe in you!!! stay strong dahil ang mga taurus super strong(sabi nila)!!!😅 thanks for being a good friend to me and angge!!😘 miss you super! halos di na tayo nagkikita! vusy bee lahat eh!! haha pagbalik mo ha??? 😅 please naman diba @iamangelicap ?!! hahha happy birthday momsh sana this year na arrival ng MR RIGHT mo!!!😍😝✨😁 lav yeah!!! dahil di na tayo nagkikita kita eto may surprise ako sayo sa dulo ng pic nato!!!!😅 HAPPY BIRTHDAY moms @bela ingat ka jan! have a blast!!!🎊 #AngBeKiROCKS 😂

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess) on

Ang pagbati naman mula kay Angelica: