Ang graduation ang kapana-panabik na bahagi sa buhay ng isang mag-aaral. Sinasabi kasing ito ang simula ng bagong paglalakbay sa buhay.

Paano kaya kung ang araw na pinakaaabangan ay sablay pala?

Usap-usapan ngayon sa social media ang magulong senior high school graduation ng isang paaralan na sinasabing naganap sa Cavite.

Sa Facebook post ni Nerisse Sarique, ibinahagi nito ang video at larawan ng disorganisadong graduation day ng AMA Senior High School sa Dasmariñas Cavite.

Naglabas umano ng saloobin si Nerisse sa kanyang post dahil sa hindi maayos na venue.

Ayon kay  Nerisse, nasa mahigit 1k ang magsisipagtapos ngunit kulang ang inihandang mga upuan sa venue.

Wala rin umanong maayos na practice ang naturang graduation at ang venue ay sa Alfonso, Cavite na malayo sa kanilang paaralan.

Tinuloy naman ang graduation ngunit pag-abot ng papel ay diretso uwi na sa bahay ang mga estudyante at walang seremonyang naganap maliban sa pagtawag sa mga pangalan.

Labis na ikinadismaya ni Nerisse ang naturang pangyayari.

Wala pang pahayag ang paaralan hinggil dito.

Bakit nga ba nagkaganito?

Ang ilan sa mga magulang na dumalo ay naghayag din ng kanilang sentimyento sa mga post na ito at may iba pang nagbahagi ng kanilang video kaugnay sa pangyayari gaya ni Mjhay Famin Lee at Mommy Heyz na tinawag pa itong “Worst graduation ever!!!

Samantala, bukas naman ang pahinang ito para sa pahayag ng paaralan.

Sources :

Facebook