Umabot sa 34,359 ang lumahok sa Labor Day job fairs na ginawa sa iba’t ibang panig ng bansa. Kabilang sa mga nag-apply ng trabaho ay mga bagong graduate at mga dating overseas Filipino workers.

Ayon sa ulat ng ABS CBN, batay umano sa report ng Department of Labor and Employment (DOLE), agad natanggap sa trabaho ang nasa 4,304 na aplikante at 20,622 naman na qualified sa posisyong inaplyan ang isasailalim sa hiring process ng mga kumpanyang lumahok sa job fairs.

Nauna nang inanunsyo ng DOLE na nasa 143,000 ang mga inaalok na trabaho sa job fairs. 58,171 dito ay local employment at 84,914 namang trabaho sa ibayong dagat.

Sinabi DOLE-National Capital Region Director Henry Jalbuena na pantay-pantay ang naging trato sa lahat ng mga aplikante, kabilang na ang mga OFW na umuwi mula sa Kuwait.

“We don’t have special lane for workers from Kuwait, all they have to do is to check job offers that suit for them. This is open to all,” ani Jalbuena.

Noon ding Labor Day, ika-1 ng Mayo, ay pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang executive order na nagbabawal sa ilegal  na kontraktwalisasyon.

Sources :

Rappler, ABS-CBN, RMN