Ang kaarawan ay isa sa pinakamahalagang pagdiriwang sa buhay ng tao. Ang paghahanda ng mga masasarap na pagkain na inilalatag sa ating hapag kapag sumasapit ang araw na ito ay tanda ng pasasalamat sa panibagong taon ng ating buhay.

Kakaiba naman ang paraan ng pagdiriwang ng isang  lalaki na sinasabing nagdiwang ng kanyang kaarawan.

Sa Facebook post ni Myco Gilvero, ibinahagi nito ang larawan ng kanyang sinasabing birthday celebration.

Ito ay may caption na: “Happy birthday to me. Tara kain tayo!”

Kinaaliwan ito ng mga netizens dahil ang mga masasarap na pagkain na handa ay mga pagkaing nakasulat lamang sa mga piraso ng karton.

Oh ‘di ba ‘petmalu’?!

May juice, salad, spaghetti, at ‘rise’ sa halip na rice kasi nga mali ang spelling. Syempre may spoon and fork din ang celebrant.

Iba talaga ang Pinoy pagdating sa kakulitan!

Happy birthday, Myco Gilvero!

Sources :

Facebook