Maraming mga tagahanga at tagasubaybay ng isa sa mga mahuhusay na aktor ng showbiz industry na si John Lloyd Cruz ang namimiss nang makita ang kanilang idolo.

Simula nang mag-indefinite leave ito sa showbiz kasama ang karelasyong si Ellen Adarna, puro ispekulasyon na lamang ang nabubuo kung talaga bang iiwan na nito ang pag-arte at tuluyang isasapribado ang buhay kasama ang naiintrigang anak nila ni Ellen.

Muling naging usap-usapan sa social media ang post na larawan ni Lloydie sa kanyang Instagram account na @ekomsi hindi dahil sa pagbibigay-pahiwatig o pasilip sa kanyang sitwasyon, kundi dahil kasama niya sa larawan ang isa sa mga co-star sa Saturday sitcom na Home Sweetie Home na si Miles Ocampo.

Babalik na nga kaya o isa itong pagpapaalam sa kanilang sitcom?

A post shared by portal,library (@ekomsi) on

Usap-usapan kasi kamakailan na tuluyan nang tatanggalin ang karakter ni John Lloyd sa Home Sweetie Home dahil sa matagal nitong pagkawala sa show.