Kilala si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbibitiw ng mga bulgar na pananalita; bagay na hindi ikinatutuwa ng mga tao sa kanya.

Kaugnay dito, hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko na tanggapin ang istilo ng kanyang pananalita.

You’ll just have to take me for what I am,” ayon kay Duterte.

Ayon sa ulat ng Inquirer, sinabi ni Duterte na siya’y matanda na upang magbago.

Humingi na lang din ng paumanhin ang Pangulo kung sakaling hindi talaga siya maunawaan ng publiko.

If you cannot understand me or you cannot give an allowance for my habit, please forgive me,” ani Duterte.

Wika ni Duterte, mahigpit ang naging pagpapalaki sa kanya ng kanyang inang si Soledad kung kaya’t nakagisnan niya ang ganoong gawi ng pananalita.

Sources :

Inquirer, RMN