Sumakabilang-buhay na  ang 74-anyos na si Alvaro “Cheng” Muhlach, ama ng aktor na si Aga Muhlach, dahil sa cardiac arrest nitong Mayo 12.

Ayon sa ulat ng PEP, isinugod si Cheng sa St. Luke’s Medical Center nang magkaroon siya ng cardiac arrest nitong Biyernes.

Madaling-araw ng Sabado, May 12, nang bawian ng buhay si Cheng habang natutulog siya sa kanyang hospital room.

Nakatakda namang iburol ang labi ni Cheng sa Mayo 13, chapels 2 at 3  Heritage Park sa Taguig City.

A post shared by Agamuhlach317 (@agamuhlach317) on

Si Cheng ang nakababatang kapatid ng dating movie queen na si Amalia Fuentes.

Dekada ’70 nang subukan ni Cheng ang mag-artista.

Ilan sa mga naging pelikula ni Cheng ang ‘Ang Heredera’ at ‘Durugin ang Mga Diyablo sa Punta Fuego.’

Sina Aga, Arlene, Albert, Aaron, Almira, AJ, at Andrew ang mga anak na  naulila ni Cheng.

Labis na ikinalungkot ng teen actor na si Andrew Muhlach ang pagpanaw ng kanyang ama.

I love you so much Papa. Wag ka mag sawa na i guide ako ha? Parati naman ako nakikinig sayo. Mamimiss kita papa,” ayon sa caption nito.

Pakikiramay po sa pamilya Muhlach.

Sources :

Instagram, PEP, ABS CBN