Hindi maitatatwang isa si Coco Martin sa mga A-list bankable actors ng kanyang henerasyon dahil sa sunod-sunod na pagtatagumpay nito sa larangan ng paggawa ng independent movies, mainstream movies, at teleserye. Patunay riyan ang longest-running at award-winning teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano na halos magtatatlong taon nang namamayagpag sa Primetime.

Hindi kataka-takang makapagpundar ng kanyang mga ari-arian si Coco o Rodel Nacianceno sa tunay na buhay. Isa na riyan ang kanyang Black Rhino wheels na ipinagmalaki niya sa kanyang Instagram account.

BLACK RHINO!!!???

A post shared by Coco Martin (@mr.cocomartin) on

Lalong nagpatingkad sa kanyang magandang ngiti?

Marami naman sa kanyang mga kasamahang artista ang nagpaabot ng pagbati kay Coco. Deserve daw niya ang kanyang biniling kotse dahil sa kanyang kasipagan at pagiging masikap. Marami namang netizen ang nagsabing singgwapo ni Coco ang kotse.