Magandang balita!

Bumaba ang bilang ng mga Pilipinong nakararanas ng gutom sa first quarter ng 2018.

Sa survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS), nasa 9.9% o tinatayang 2.3 milyong pamilya ang nakararanas ng involuntary hunger mula Enero hanggang Marso ng 2018; ayon sa ulat ng News5.

Mas mababa ito sa 15.9% hunger level, o 3.6 milyong Pinoy na nakararanas ng gutom mula Oktubre hanggang Disyembre noong 2017.

Ito pa lamang ang ikalawang beses na umabot sa single-digit range ang bilang ng mga pamilyang nagugutom sa Pilipinas makaraan ang 14 taon.

Bumaba rin umano ang hunger rate sa buong bansa at kaakibat nito ang pagbaba ng bilang ng mga Pilipinong kinokonsiderang sila’y mahirap, ayon pa sa survey.

Ramdam kaya ito ng ating mga kababayan?

Panoorin ang ulat na ito ng Eagle News para sa iba pang detalye: