• Nakatanggap si Bea Alonzo ng handwritten love letter mula kay Gerald Anderson
  • Ani pa ni Gerald ay masaya siyang kasama si Bea
  • Tinawag rin ng aktor na kanyang “teenage crush” si Bea

Laking gulat ni Bea Alonzo nang makatanggap siya ng love letter mula sa nobyong si Gerald Anderson. Napahanga umano siya ng “sweet gesture” ng aktor nang nasa Magandang Buhay si Bea. Aniya, “Nagulat ako, siyempre. Nagulantang,”

“In fairness mapadala siya ng bulaklak at ma-note. Thank you, thank sa letter and thank you for always being there,” dagdag ng aktres.

Sa handwritten love letter ni Gerald ay binati niya sa Bea sa kanyang bagong pelikulang, Kasal.

Ani pa ni Gerald sa liham, “You are the most passionate person I know. I cherish every moment with you.” [Ikaw ang pinaka-passionate na tao na aking nakilala. Lagi kong nanamnamin ang mga panahong kasama kita.]

Dagdag pa ng aktor kay Bea, “You will always be my teenage crush.”

Bibida si Bea Alonza sa bagong pelikula ni Direk Ruel S. Bayani na “Kasal.” Kasama ni Bea sina Paulo Avelino at Derek Ramsey.

Maaaring mapanood ang video ng Magandang Buhay mula sa ABS-CBN’S Youtube channel:

Sources :

ABS-CBN, Youtube