Humarap kay Philippine National Police (PNP) chief Director General Oscar Albayalde ang mga pulis na tumuligsa sa kanya sa social media  sa kanyang tanggapan sa Camp Crame nitong Mayo 8.

Ayon sa ulat ng ABS CBN, sa 20 pulis na ipinatawag, 11 lamang ang dumating sa kanyang opisina.

Sinabihan ni Albayalde ang mga pulis na ilabas ang kanilang hinaing at pag-disgusto sa kanya sa tamang lugar.

They can be charged [with] insubordination. When you are in an organization, especially in a uniformed organization, there are norms, policies, rules, and regulations you have to follow,” ani Albayalde.

Alam naman po natin na ‘pag ikaw ay nasa uniformed service talagang there are restrictions na kailangan mong sundin. Sabi ko sa kanila, kung gusto nila mag-post nang mag-post at i-practice ang kanilang freedom of speech eh ‘di lumabas sila sa pagkapulis,” dagdag pa nito.

Tiniyak naman ng PNP Chief na magkakaroon ng due process ang mga pulis na sangkot dito.

Nauna nang inihayag ni Albayalde na kakasuhan niya ang mga naturang pulis ng insubordination makaraang makita ang mga post nito sa ‘Buhay Lespu’ Facebook account.